Hindi pa rin maituturing na normal ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan para matugunan ang pangangailangan ng Metro Manila sa suplay ng tubig.
Ito’y dahil sa hindi pa rin naaabot ang 210 meters na kinakailangang lebel ng tubig sa nasabing dam na siyang sasapat para sa magiging epekto ng El Niño sa susunod na taon.
Gayunman, sinabi ni Executive Dir. Sevillo David Jr., ng National Water Resources Board o NWRB, magdaragdag sila ng dalawang sentimetro kada segundong alokasyon ng tubig sa Metro Manila dahil sa nadagdagan naman ang tubig sa Angat Dam.
Batay sa tala ng PAGASA Hydromet Division kahapon, umabot na sa 203.72 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam na mas mababa pa rin ng 6.28 meters sa forecast level para sa El Niño.
By Jaymark Dagala