Nagbunga ang maghapon hanggang sa magdamag na buhos ng ulan upang tumaas ng bahagya ang lebel ng tubig sa Angat Dam
Batay sa inilabas na dam update ng PAGASA Hydromet Division 6 kaninang umaga, naitala sa 158.64 meters ang lebel ng tubig sa nasabing Dam
Tumaas ito ng .68 meters mula sa 157.96 meters critical level kahapon, Hunyo 29 na siyang unang pagkakataon mula nang sumadsad ito sa all time low nuong Biyernes
Maliban sa Angat, nadagdagan din ang tubig sa La Mesa Dam at San Roque Dam habang nabawasan naman ang tubig sa Ipo, Ambuklao, Binga, Pantabangan at Magat Dam