Nananatiling normal ang water level sa Angat dam na pangunahing pinagkukunan ng supply ng Metro Manila.
Ayon kay National Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr., sapat ang supply upang matugunan ang pangangailan ng mga taga-Metro Manila at para sa irigasyon sa Bulacan at Pampanga ngayong Marso.
Umaasa rin si David na sasapat ito hanggang sumapit ang tag-ulan sa Mayo o Hunyo.
Samantala, nakadepende anya sa magiging pagbabago sa water level ng Angat kung magbabawas sila ng alokasyon ng tubig sa dalawang concessionaires sa Metro Manila.
—-