Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat dam sa kabila ng patuloy na pag-ulan sa Metro Manila.
Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Dr. Sevillo David, nasa 176.17 meters na lamang ang lebel ng tubig sa Angat dam, mababa ito ng halos 4 meters sa minimum operating level na 180 meters.
Gayunpaman, nananatili aniyang sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila pero pinaghahandaan nila sa ngayon ang pangangailan sa mga susunod na araw, mga buwan at sa susunod na taon.
Samantala, sinabi ni David na kung kailangang magkaroon ng adjustment sa alokasyon ay magkakaron sila ng karampatang abiso sa publiko partikular na sa Metro Manila.