Patuloy pa ring bumababa ang lebel ng tubig sa angat dam sa lalawigan ng Bulacan sa nakalipas na magdamag
Batay sa huling datos ng PAGASA Hydrology Division kaninang 6 ng umaga, pumalo na sa 161.22 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam
Mas mababa ito ng .23 meters kumpara sa 161.45 meters na lebel ng tubig sa nasabing Dam kahapon, Hulyo 6
Kasunod nito, bumaba rin ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City na nasa 72.36 meters dakong 6 kaninang umaga kumpara sa 72.38 meters kahapon
Ang Angat at La Mesa Dam ang 2 pangunahing pinagkukunan ng tubig ng mga residente ng Metro Manila at karatig na lalawigan nito
Kahapon, nagpatupad na rin ng bagong iskedyul ang Maynilad Water Services Icorporated upang maka-habol sa limitadong suplay ng tubig sa kanilang sineserbisyuhan