Patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam sa Luzon dahil sa tagtuyot.
Halos pumalo na sa critical level ang tubig sa Angat Dam na ngayo’y nasa 180. 5 meters na.
Dahil dito, nakaambang mabawasan ang supply ng tubig sa Metro Manila samantalang itinigil na ng National Water Resources Board ang pagsu-supply ng tubig sa mga irigasyon sa Bulacan at Pampanga.
Nagbabala ang mga otoridad na posibleng maranasan ang bawas supply ng tubig habang hindi pa pumapasok ang tag-ulan.
By Judith Larino