Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan makaraang lumagpas na ito sa critical level.
Batay sa tala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydro-Metreology Division kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa 179.73 meters ang lebel ng tubig sa nasabing dam na mas mababa ng 0.25 meters kahapon na nasa 179.88 meters.
Dahil dito, sinabi ni Elmer Caringal Hydrologist ng PAGASA na kinakailangan nanilang putulin ang suplay ng tubig sa mga irigasyon.
Kasunod nito, bumaba rin ang lebel ng tubig sa iba pang dam sa Luzon tulad ng Ambuklao at Caliraya habang tumaas naman ang lebel ng tubig sa Ipo, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat.
By Jaymark Dagala