Patuloy na bumababa ang water level sa Angat Dam kahit pa panahon na ng tag-ulan.
Ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrologist Engr. Richard Orendain, nabawasan pa ng 17 centimeters ang tubig sa Angat Dam o nasa 169.85 meters na lamang.
Tiwala naman si Orendain na madadagdagan ang tubig sa Angat Dam sa ikalawang linggo ng buwang ito kung kailan inaasahan pa ang mga pag-ulan.
Samantala, bahagya ring bumaba ang level ng tubig sa Ambuklao at Binga Dam bagamat hindi nagbago ang antas ng tubig sa San Roque Dam.