Inaasahang patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam kung saan nasa below critical level na ito.
Batay sa datos mula sa PAGASA, pumalo na sa 159.43 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam kahapon ng 6:00 ng umaga.
Mas mababa ito kumpara sa 159.78 meters na naitala noong Sabado na nalagpasan na ang critical level na 160 meters pababa.
Maliban sa Angat Dam, nabawasan na rin ang lebel ng tubig sa Ipo, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.
Nadagdagan naman ng bahagya ang tubig sa La Mesa at Ambuklao Dam dahil sa patuloy na pag-ulan sa lugar dala ng thunderstorm.
Una nang ipinabatid ng NWRB o National Water Resources Board na kanila uling babawasan ang alokasyon ng tubig buhat sa Angat dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig nito.
Krisis sa tubig magpapatuloy hanggat blow kritikal level ang Angat Dam
Magpapatuloy pa ang nararanasang krisis sa tubig ng mga consumers ng Manila Water sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan hangga’t nananatiling mababa sa critical level ang antas ng tubig sa Angat Dam.
Ayon kay Manila Water Spokesperson Jeric Sevilla, hindi na nila makokontrol ang nararanasang krisis sa tubig sa kalakhang Maynila.
Sa ngayon aniya ay umaabot na sa 12 hanggang 17 oras ang ipinatutupad nilang water service interruption.
Magpapatuloy aniya ang sitwasyon hangga’t hindi umaabot sa ligtas at sustainable level ang Angat Dam.