Lalo pang sumadsad ang antas ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan ngayon, Hulyo 14sa kabila ng patuloy na pagbuhos ng ulan nitong nakalipas na mga araw
Batay sa datos na nagmula sa pagasa Hydrology Division kaninang 6 ng umaga, nasa 159.15 meters na ang lebel ng tubig sa angat na nasa Below Critical Level pa rin
Mas mababa ito ng .30 meters mula sa naitalang 159.45 meters kahapon, araw ng Sabado, Hulyo 13
Samantala, dahil sa nangyaring mga pag-ulan, bahagya namang tumaas ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam na nasa 72.26 o nasa .10 meters ang itinaas kumpara kahapon na nasa 72.16 meters
Tumaas din ang lebel ng tubig sa Binga Dam habang nabawasan naman ang tubig sa mga Dam ng Ipo, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, at Caliraya