Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na bente kwatro oras.
Ayon sa pagasa hydrology division, mas mataas ang lebel ng tubig ngayong araw na sumampa sa 183.50 meters kumpara sa 183.46 meters kahapon.
Bumaba naman ang antas ng tubig sa La mesa dam na nasa 77.41 meters ngayon kumpara sa 77.45 meters kahapon.
Bahagya ring bumaba ang water level sa Ipo dam na nasa 100.89 meters ngayong araw mula sa 100.95 meters kahapon.
Bumaba rin ang tubig sa Binga at Magat dam samantalang nadagdagan naman sa San roque dam at Pantabangan dam.
Wala namang naitalang paggalaw ang antas ng tubig sa Ambuklao dam.