Unti-unti nang nakababawi ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan dahil na rin sa sunud-sunod na mga pag-ulan na dala ng bagyong Falcon at Goring
Batay sa pinakahuling datos mula sa PAGASA Hyrology Division kaninang 6 ng umaga, umakyat na sa 161.45 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam mula sa 161.35 meters na naitala kahapon
Maliban sa Angat, patuloy din sa pagtaas ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam na umakyat sa 73.37 meters mula sa 73.21 meters kahapon
Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan na nararanasan sa malaking panig ng bansa hanggang ngayon, patuloy din sa pagtaas ang lebel ng tubig sa iba pang mga Dam sa luzon tulad ng Ambuklao, Binga at Pantabangan
Gayunman, may naitalang pagbaba ng lebel ng tubig sa San Roque Dam sa Pangasinan, Magat Dam sa Isabela at Ang Caliraya Dam sa Laguna