Patuloy na nababawasan ang lebel ng tubig sa ilang dam sa bansa sa nakalipas na 24 hrs dulot nang kawalan ng pag-ulan sa mga watershed dulot ng epekto ng el niño.
Batay sa dam monitoring ng PAGASA, nagtala ang Angat Dam kahapon ng 208.20 meters water level mula sa 208.32 meters noong Biyernes.
Nasa 212 meters ang normal water level ng Angat na pinagkukunan ng 90% ng tubig ng Metro Manila.
Gayunman, sinabi ng Metopolitan Waterworks and Sewerage System na kahit na may pagbaba ang water level sa angat ay sapat pa rin ang suplay dito sa panahon ng el niño dahil may ibat ibang sources ng tubig na pinagmumulan sa kasalukuyan para isuplay sa Metro Manila tulad ng Laguna Lake, mga ilog at tubig mula sa mga treatment plants ng MAYNILAD at Manila Water. – sa panunulat ni Jeraline Doinog