Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa dam dahil sa tag-init at kakulangan ng tag ulan.
Ayon kay Richard Orendain ng hydrometeorogical division ng PAGASA, bumababa ng halos 12 centimeters ang water level sa La Mesa dam.
Gayunman nilinaw ni Orendain na wala pa ring dapat ikabahala ang lahat dahil nananatili pa rin namang sapat ang tubig na nanggagaling sa Angat dam.
Malayo pa aniya sa 180 meters na critical low level ang Angat dam.