Pinalilikas na ng lokal na pamahalaan ng Bohol ang mga residente malapit sa Wahig River sa bayan ng Pilar sa Tagbilaran City.
Ito ay matapos umabot na sa kritikal ang lebel ng tubig sa malinao dam na nasa 152.07 meters na.
Batay sa abiso ng National Irrigation Administration – Central Visayas, malaki ang posibilidad na umapaw ang nasabing dam dahil sa patuloy na pag-ulang dulot ng low pressure area at shear line.
Ang Bohol ay nakasailalim na ngayon sa orange rainfall warning kaya posible ang pagbaha at landslides sa mga mabababang lugar.
Bukod sa Malinao Dam, lagpas na rin sa normal na lebel ang tubig sa Bayongan Dam sa bayan ng San Miguel; Capayas Dam at Benliw Dam sa bayan ng Ubay; at Zamora Dam sa Talibon.