Balik normal na muli ang lebel ng tubig sa Marikina River matapos ang ilang araw na walang patid na mga pag-ulan
Batay sa monitoring ng Marikina Disaster Risk Reduction and Management Office as of 3pm, nasa 13.2 meters na ang lebel ng tubig sa nasabing ilog
Mas mababa na ito kumpara sa naitalang 15.3 meters o unang alarma kaninang ala 5 ng umaga bagama’t wala namang ipinatupad na forced evacuation sa lugar
Inaasahan namang patuloy na bababa ang lebel ng tubig sa naturang ilog lalo’t wala pa namang naitatalang pagbuhos ng ulan mula pa kaninang umaga