Mahigpit na binabantayan ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina ang lebel ng tubig sa Marikina River sa harap ng pananalasa ng bagyong Karding.
Ayon sa Alkalde ng nasabing lungsod na si Marcy Teodoro, naka-monitor sila sa mga posibleng pag-ulan sa paligid ng lungsod lalo’t nagsisilbi itong catch basin ng tubig-ulan mula sa San Mateo at Montalban, Rizal at sa mga Lungsod ng Antipolo at Quezon.
Nabatid na kaninang umaga ay nasa 12.2 meters ang water level sa Marikina River, sakaling umabot sa 15 meters o first alarm nakahanda ang lungsod para sa evacuation lalo na ang mga nasa flood-prone areas.
Samantala, hinikayat ni Teodoro ang mga residente na lumikas na habang wala pang nararanasang pagbaha.