Patuloy na minomonitor ng Marikina City Government ang lebel ng tubig sa Marikina River dahil sa patuloy na pag-ulan bunsod ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Marikina City, alas-5 kaninang madaling araw, bumaba na sa 14 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River.
Ayon sa Marikina Public Information Office (PIO), sumampa na sa jogging lane ang tubig sa Marikina River dahilan para malubog sa baha ang mga sasakyang nakaparking malapit sa Chinese Temple at rebulto ni Marikit.
Dahil dito, binuksan na ang walong gate sa Manggahan Floodway para maiwasan ang pagbaha sa ilang lugar sa lungsod.
Nakahanda na ang mga Rescue Team kabilang na ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Council sakaling lumala ang lebel ng tubig sa Marikina River.