Malapit na sa kritikal na lebel ang tubig sa iba’t ibang dams sa bansa.
Partikular na tinukoy ng PAGASA Hydromet Division ang Angat Dam na nasa Bulacan.
Ayon kay Ronalyn macalalad, Hydrologist ng PAGASA, sa loob ng susunod na tatlo hanggang apat na araw na posibleng bumaba na sa kritikal na 180 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ngayong araw na ito, naitala sa 181.48 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam, mas mababa ng 0.27 meters kumpara noong Martes.
Sinabi ni Macalalad na sakaling bumagsak sa kritikal na lebel ang tubig sa dam, posibleng magbawas ng power supply generation at irigasyon ang Angat.
Samantala, bahagya na ring bumaba ang lebel ng tubig sa Ambuklao, La Mesa, Binga at Ipo Dams.
By Len Aguirre