Tumaas ang antas ng tubig sa mga pangunahing dam dahil sa bagyong Lando.
Ayon kay PAGASA Hydrologist Sonia Serrano, 7 metro ang itinaas ng water level sa Angat Dam na nasa 201.58 meters na mula sa 194. 60 meters kahapon.
Mahigit apat na metro naman ang itinaas ng water level sa pantabangan dam samantalang lampas sa dalawang metro ang itinaas ng water level sa Magat Dam.
Nadagdagan din ng tubig ang Ipo, La Mesa, Ambuklao, San Roque at Caliraya samantalang nabawasan naman ng point 33 meters ang tubig sa Binga Dam.
Sinabi ni Serrano na sapat naman ang tubig sa Angat kahit pa umulan sa mga susunod na buwan bagamat kulang pa rin ito para sa kinakaharap na matinding El Niño.
By Judith Larino