Ilang linggo ring hindi makakapaglaro para sa Los Angeles Lakers si NBA Superstar Lebron James.
Ito ay dahil sa tinamo niyang groin injury sa Christmas game ng Lakers kontra Golden State Warriors kahapon.
Ayon kay James, hihintayin pa niya ang resulta ng kanyang MRI scan para malaman kung kailan ito posibleng makapaglaro.
Matatandaang kahit nawala sa kalagitnaan ng laro ng lakers kahapon si Lebron ay natalo pa rin ng koponan ang kalabang Warriors.