Nangako si Lebron James na ipagpapatuloy niya at ng kanyang teammates sa Los Angeles Lakers ang legacy ni club icon Kobe Bryant na pumanaw dahil sa helicopter crash noong Lunes.
Sa harap ng kanilang fans sa staples center bago ang kanilang laro laban sa Portland Trail Blazers, nanawagan si James sa lahat ng mga tagahanga na ipagdiwang ang buhay at karera ni Bryant na kinabibilangan ng limang NBA titles sa loob ng 20 taon kasama ang Lakers.
Sa nabanggit na laban, kumamada si Lebron James ng 22 points, 10 assists at 8 rebounds, habang nagdagdag si Kyle Kuzma ng 17 points at 15 rebounds.
Ngunit sa kabila nito, natalo ng Blazers ang Lakers sa score na 127-119.