Nagpakitang-gilas si Lebron James sa paglulunsad ng Cleveland Cavaliers ng depensa nito sa kanilang NBA crown matapos pabagsakin ang New York Knicks sa final score na 117-88.
Bagamat si Kyrie Irving ang gumawa ng pinakamataas na 29 points, ang NBA finals MVP na si James ang nagpanalo sa Knicks sa pamamagitan ng 19 points, 11 rebounds at 14 assists.
Kasunod ito nang pagbibigay sa Cavs ng 2015-2016 championship rings.
Si James ang nagsilbing de facto master of ceremonies bago ang tip off habang itinataas ng Cavs ang championship banner mula sa nakalipas na season.
Naging maingay ang paligid sa dinagsang Quicken Loans Arena sa gabi kung kailan naging sentro ng US sporting universe ang Cleveland.
By Judith Larino
Photo Credit: Getty Images