Pinangunahan ni Lebron James ang panalo ng Cleveland Cavaliers kontra Philadelphia 76ers sa iskor na 107-100.
Nakapagbaon si Lebron ng 22 puntos dahilan upang maabot nito ang 25,000 puntos sa kanyang career.
Nakapag-ambag naman sina Mo Willams ng 21 puntos habang 15 puntos naman ang nagawa ni Kevin Love para sa Cavs.
Samantala, pinadapa naman ng San Antonio Spurs ang New York Knicks sa kanilang paghaharap sa iskor na 94-84.
By Ralph Obina