Inanunsiyo ng National Basketball Association (NBA) na sinuspinde ng isang laro si Lakers superstar-forward shooting guard, Lebron James.
Ito’y matapos tamaan ng siko sa mukha si Detroit Pistons Center Isaiah Stewart sa kanilang mainit na laban kung saan, nag-git-gitan ang dalawa para sa kanilang posisyon sa free throw situation sa ikatlong quarter na ginanap sa Madison Square Garden sa New York.
Sinubukan pa silang awatin ng kanilang team mate pero hindi umano nagpa-awat si Stewart.
Dahil dito, sinuspinde din ng dalawang laro si Stewart matapos patawan ng two technical fouls dahil sa pagpapalala nito ng tension sa court at patuloy na agresibong pununugod kay Lebron kahit pa pumagitna o umawat na ang mga opisyal ng NBA.
Ayon pa sa NBA, masasayang ang sweldo ni Lebron na nagkakahalaga ng 284,000 dollars habang si Stewart naman ay mawawalan ng 45,000 dollars. —sa panulat ni Angelica Doctolero