Asahan na magmamahal pa ang presyo ng lechon at Christmas ham halos isang buwan bago ang Pasko.
Sa ngayon, umabot na sa ₱1,660 ang presyo ng kada piraso ng Christmas ham, habang naglalaro naman sa ₱6k hanggang ₱15k ang presyo ng lechon.
Paliwanang ng ilang nagtitinda sa La Loma, Quezon City, normal lang na magmahal ang presyo ng lechon kapag papalapit ang Pasko at bagong taon.
Iniulat naman ni La Loma Lechoneros Association President Maca Chua na walang kakulangan sa supply ng lechon ngayon, dahil nakabawi na ang mga hog raiser mula sa epekto ng african swine fever. - sa panulat ni Charles Laureta