Dinagsa ng mga mamimili ang lechon capital sa La Loma sa Quezon City, kagabi, huling araw ng buwan ng disyembre 2020.
Ayon sa ilang mga nagtitinda ng lechon sa La Loma, mula P6,000 hanggang P16,000 ang halaga ng isang lechon depende pa sa laki nito.
Kung hindi naman kaya ng budget ang isang buong lechon, ayon sa mga nagtitinda nito, pupwede namang bumili ng patingi-tingi o P1,000 kada kilo.
Sa pagtataya ng mga nagtitinda ng lechon, mas lumakas ang benta nila kumpara noong bisperas ng Pasko.