Nagsimula nang maglagay at magtayo ng Light Emitting Diode o LED screens sa ilang lugar na malapit sa National Museum sa Maynila.
Ito ay para sa nakatakdang inagurasyon ni President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa a trenta ng Hunyo.
Naitayo na ang hindi bababa sa apat na LED screens habang may mga speaker na rin sa paligid at harap ng bahagi ng National Museum.
Habang sa bahagi naman ng Padre Burgos na kanto ng Roxas Boulevard, inilagay na rin ang malaking LED screen.
Inilagay umano ito sa mga lugar para sa mga gustong makapanuod ng live sa panunumpa ni Marcos.
Samantala, muling inabisuhan ang mga motorista na pansamantalang sarado ang Padre Burgos, Finance Road, Ma. Orosa at ilan pang malapit sa National Museum para bigyang-daan ang mga paghahanda para sa inagurasyon.