Matapos ang matagumpay na pagpupulong ng National Security Council, iginiit ni Senate Minority Leader Ralph Recto na dapat sunod na i-convene ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC.
Ayon kay Recto, sa nakalipas na 6 na taon ay hindi gumana ang LEDAC.
Dahil dito, sinabi ni Recto na maaaring buhayin ng Pangulo ang LEDAC upang matalakay ang mga polisiya ng gobyerno.
By: Meann Tanbio