Regular nang ipatatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Legislative – Executive Development Advisory Council o LEDAC tuwing Huwebes.
Ayon kay Presidential Legislative Liason Secretary Adelino Sitoy, kailangan ng Pangulo na malaman ang mga ipinasang batas ng Kongreso at mapag-aralan ang mga ito.
Magugunitang dalawang beses lamang nagpulong ang LEDAC sa loob ng anim na taong panunungkulan noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Aabot naman sa 20 mahahalagang batas ang na-veto ni Aquino kabilang na ang SSS pension hike.
By Jaymark Dagala