Isinusulong ni Agri Party-List Representative Wilbert Lee ang panukalang paglalagay ng nutritional content sa mga pagkaing hinahanda sa restaurants at food establishments.
Layunin ng House Bill 2421 na makontrol at matugunan ang problema sa obesity, unhealthy diet at kakulangan sa nutrisyon ng mga pilipino.
Batay naman sa datos ng Department of Science and Technology at Food and Nurition Research Institute, nasa 27 – M pilipino ang overweight at obese.
Ayon sa mambabatas, sakaling maisabatas, aatasan ang mga kainan na isaad sa kanilang menu ang calorie, carbohydrate, saturated fat, protein at sodium content ng bawat pagkain.
Maaari namang masuspindi at pagmultahin ng hindi bababa sa isandaang libong piso sa unang paglabag at limandaang libong piso hanggang isang milyong piso naman sa ikalawa at ikatlong paglabag ang mga establisyimentong hindi tatalima sa nasabing panukala. - sa panunulat ni Hannah Oledan