Dalawang taon munang mawawala sa eksena ang Korean superstar na si Lee Min Ho.
Ito ay dahil nakatakdang simulan ni Lee ang mandatory military service nito ngayong darating na Mayo.
Ayon sa talent agency ng aktor na MYM Entertainment, tapos nang makapag-palista si Lee at maghahanda na rin ito para sa pagpasok sa Gangnam-gu office bilang isang public service officer.
Ang military service ay mandatory sa lahat ng lalaki sa South Korea na nasa edad 18 hanggang 35 taong gulang.
Kinakailangan nilang maglaan ng 2 taong military service na isang paraan ng kanilang paghahanda sa mga banta ng North Korea.
Si Lee Min Ho ay malapit at popular sa kanyang Pinoy fans dahil makailang ulit na itong bumisita sa Pilipinas para sa mga endorsement.
Nakilala ang aktor sa mga Korean dramas na “Boys Over Flowers”, “City Hunter” at “The Legend of the Blue Sea.”—AR
*(Photo by VCG/VCG via Getty Images)