Tiniyak ni Department of Health (DOH) Spokesman Lyndon Lee Suy, na nagagamot ang sakit na Middle East Respiratory Syndrome (MERS).
Ayon kay Lee Suy, kayang gamutin ang MERS, kung ito ay maaagapan, sa pamamagitan ng maagang pagsangguni sa doktor, oras na makaramdam ng anumang sintomas nito, lalo na kung galing sa South Korea o Middle East.
Ipinaliwanag ni Lee Suy na katulad ng ibang respiratory ailments, nagsisimula ang MERS sa simpleng trangkaso lamang.
“Maagap na pagpapatingin po kaagad, dahil nagagamot po ang MERS-CoV, kung mayroong problema sila, magpatingin kaagad at mabibigyan din kaagad ng karampatang atensyon, karamihan naman ng hindi nakakaligtas po are those people na mayroong problema sa katawan nila.” Paliwanag ni Lee Suy.
By Katrina Valle | Karambola