Handang ipagpatuloy ng grupong tumulong sa pagpapagamot ng namayapang hero dog na si Kabang ang adbokasiyang iniwan nito ayon kay Mona Consuji ang bumuo ng team Kabang.
Batay sa panayam kay Consuji, tinitiyak nitong maipagpapatuloy ng kanyang grupo ang pagpapabuti sa kapakanan at kalusugan ng mga hayop lalo na ng mga aso’t pusa na palaboy sa kalye sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pribadong korporasyon at ng institusyon ng pamahalaan.
Kwento nito, hindi tumigil ang grupo sa mga pagsasagawa ng mga program kaya ng pagbabakuna ng anti-rabbies at pagtuturo ng wastong pag-aalaga sa mga hayop sa tulong na rin ng lokal na pamahalaan.
Magugunitang, nasawi si Kabang nitong Lunes sa edad na 13 o may katumbas ng 91 anyos sa buhay ng tao ayon kay Dr. Anton Lim.