Hindi bibitiwan ng SM Foundation Incorporated ang anito’y legacy o pamana ni Henry Sy, Sr. o kilala bilang si Tatang kaugnay sa pagtulong sa mga kabataang maabot ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng edukasyon.
Ito ayon kay Carmen Linda Atayde, Executive Director for Education ng SM Foundation Incorporated ay kaya’t patuloy ang pagbibigay nila ng scholarship sa mga deserving students katuwang ang mahigit 100 unibersidad at kolehiyo mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi sa DWIZ ni Director Atayde na sa pagbubukas ng bagong school year ay nasa kabuuang 470 new SM scholars ang napili nila.
Bukod sa allowance ipinabatid ni Director Atayde na nabibigyan din ng pagkakataon ang sm scholars na makapag trabaho at kumita sa sm malls kapag walang pasok o bakasyon.