‘Nagsalita ang magaling…’
Ito ang naging reaksyon ni Atty. Barry Gutierrez, dating kongresista at legal adviser ni Vice President Leni Robredo sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang kakayahan ang Pangalawang Pangulo na pamunuan ang bansa.
Sa kanyang Twitter post, ipinahiwatig ni Gutierrez na wala sa posisyon si Pangulong Duterte na i-assess ang abilidad ni Robredo sa pamumuno.
Binigyang diin ni Gutierrez, sa panahon ni Pangulong Duterte, tumaas sa 5.2 percent ang inflation rate, nagmahal ang kada kilo ng bigas, umabot sa isang trilyong piso ang utang ng bansa, sumadasad sa 53 pesos at 51 centavos ang palitan ng dolyar at lalung lumama ang problema sa trapiko.
Magugunitang, inihayag ng Pangulo na hindi siya magbibitiw sa puwesto at mas pipiliing magkaroon ng eleksyon para makapamili ng transition leader sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan kaysa pamunuan ni Robredo ang bansa.
—-