Suportado ni Vice President Jejomar Binay ang pagdagdag ng P100 milyong pisong legal assistance fund para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na dapat maisama sa budget ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ginawa ni Binay ang pahayag kasunod ng ulat patungkol sa OFW na si Jennifer Dalquez na nasa death row sa United Arab Emirates matapos nitong mapatay ang amo kasunod ng tangkang panggagahasa sa kanya.
Ayon sa Bise Presidente, makatutulong ng malaki sa mga embahada ng Pilipinas ang P100 million pesos legal assistance fund upang makahanap ito ng mga abogado na sobrang mahal sa ibang bansa.
Aniya, kulang ang kasalukuyang legal assistance fund ng pamahalaan at malaki talaga ang gastos kapag kumuha ng foreign lawyer upang maipagtanggol ang nasasangkot na OFW.
Kaugnay pa rin ng kaso ni Dalquez, tiniyak ni Binay na binibisita ito ng Philippine Embassy at ginawa ang lahat ng diplomatic at legal efforts para sa nasabing OFW.
By Meann Tanbio | Allan Francisco