Pinag-aaralan na ng Pilipinas ang pagbalangkas para sa isang legal framework hinggil sa isasagawang joint exploration and development sa mga pinag- aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa isinagawang foreign policy briefing sa House Committee on Foreign Affairs.
Kasunod nito, tiniyak ni Cayetano sa publiko na tiyak na naaayon sa batas ang binalangkas nilang legal framework sakaling mabuo ang nasabing kasunduan.
Pagmamalaki pa ni Cayetano, sakaling maisalya na ang papasukin nilang kasunduan para sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at China, tiyak na mas maganda ito kumpara sa Malampaya natural gas exploration.