Magdudulot pa rin ng pinsala ang mga paputok, legal man ito o iligal.
Ito ang babala ng Department of Health sa bawat indibidwal na gagamit ng anumang uri ng paputok sa bagong taon.
Ayon kay Health Assistant Secretary Albert Domingo, pareho pa rin ang pinsalang dulot ng legal at iligal na paputok dahil lahat ng ito ay sumasabog.
Giit ni Asec. Domingo, isa lang ang magiging resulta nito kapag naputukan ang daliri ng isang tao.
Una nang iniulat ng DOH na tumaas na sa 75 ang mga biktima ng paputok kung saan hindi bababa sa 6 ang kinailangang putulan ng daliri. - sa panulat ni Raiza Dadia