Magpapalabas ng legal opinion ang Department Of Justice (DOJ) hinggil sa kasunduan ng PhilHealth at Philippine Red Cross o PRC para sa COVID-19 tests ngayong linggo.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra, oras na matapos na ang isinasagawang pagsusuri ng ahensiya sa naturang kasunduan.
Ayon kay Guevarra, kanilang binibigyan ng espesiyal na atensyon ang pagre-review sa 100-M agreement sa pagitan ng PhilHealth at PRC.
Kasunod na rin aniya ito ng hiling na opinyon ni Philhealth President Dante Gierran mula sa DOJ kaugnay sa Memorandum Of Agreement bago pagpasiyahan ang pagbabayad sa utang ng ahensiya sa red cross.
Sa ilalim ng MOA, nagbigay ng P100-M paunang bayad ang PhilHealth sa PRC para sa ibibigay na serbisyo sa COVID-19 testing.