Binaligtad ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang legal opinion ni dating Justice Secretary ngayo’y Senador Leila De Lima.
Kaugnay ito sa pagbibigay ng kapangyarihan sa PEZA o Philippine Economic Zone Authority para magpatupad ng fire safety standards sa mga casino.
Binigyang diin ni Aguirre na ang BFP o Bureau of Fire Protection ang may kapangyarihang ipatupad ang mga probisyon ng Republic Act 9514 o Revised Fire Code of the Philippines of 2008 sa PEZA owned o administered ecozones.
Gayunman, sinabi ni Aguirre na wala namang probisyon sa RA 9514 ang mag i-exempt sa PEZA owned o administered ecozones mula sa enforcement authority ng BFP.
Alvarez duda sa pahayag ng mga pulis kaugnay sa pagkamatay ng lone gunman sa Resorts World
Duda pa rin si House Speaker Pantaleon Alvarez sa aniya’y circumstance nang pagkamatay ng lone gunman sa pag-atake sa Resorts World Manila.
Sinabi ni Alvarez na duda siya sa pahayag ng mga pulis na sinunog at binaril ni Jessie Carlos ang kanyang sarili.
Imposible naman aniyang sinilaban muna ni Carlos ang kaniyang sarili bago nagbaril.
Ayon pa kay Alvarez, nais din niyang malinawan kung ano ang mayroon sa Room 510 kaya’t pinili ito ni Carlos para pagtaguan at kalaunan ay magpakamatay.
Operasyon ng Resorts World Manila hindi pa tiyak kung kailan
Tila blangko pa ang pamunuan ng Resorts World Manila kung kailan muling bubuksan ang kanilang operasyon matapos ang pag-atake dito noong Biyernes.
Sinabi ni Kingson Sian, Pangulo ng hotel – casino na wala pa silang itinatakdang petsa para sa resumption ng kanilang operasyon dahil tututukan muna nila ang pangangailangan ng pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa insidente.
Kasabay nito, tiniyak ni Sian na walang magiging problema sa suweldo ng kanilang mga empleyado.
By Judith Estrada – Larino