Hinikayat ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang legal staff ni United States Senator Patrick Leahy na magtungo sa Pilipinas para tingnan ang mga ebidensya na ginamit sa pagpapakulong kay Senadora Leila de Lima.
Ayon sa kalihim, iniimbitahan niya ang mga ito para personal na makita ang mga ebidensyang ipinrisenta sa Korte.
Kabilang na dito ang mga recordings at transcripts na mula sa mga pagdinig ng mga kaso laban sa senadora.
Magugunitang isa si Leahy sa mga senador na nagsulong ng travel ban sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa pagpapakulong kay De Lima.