Diskumpyado ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa naging pahayag ng China na ititigil na nito ang ginagawang reclamation sa Subi Reef na malapit kabilang sa Kalayaan Group of Islands.
Paliwanag ni DFA Spokesman Charles Jose, posibleng tapos na talaga ang reclamation kaya’t kasunod na nito ang phase 2 ng konstruskyon sa lugar.
“Umpisa na ng pagtatayo ng mga airstrip, mga harbor, oil depot at ilan pang mga building pa dun, so yun na po ang kanilang susunod na gagawin mga construction po ng facilities.” Ani Jose.
Kaugnay nito, sinabi ni Jose na purisigido ang Pilipinas sa isinusulong nitong arbitration case laban sa China sa The Hague, Netherlands.
“May nakatakda na pong oral arguments na gaganapin sa The Hague, next week po July 7-13 at ang ating legal team ay nakahanda nang tumulak papuntang The Hague para mag-participate dito po sa oral hearings.” Pahayag ni Jose.
By Rianne Briones | Kasangga Mo Ang Langit