Pinagbotohan na ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang Constitutionality ng kontrobersyal na Anti-Terror Law, kahapon.
Nagpasya ang mga supreme court justices sa pamamagitan ng Online En Banc Session na ligal ang nabanggit na batas, maliban sa Section 4 nito.
Nilinaw naman ni SC Spokesman Brian Keith Hosaka na kailangan pang kumpirmahin at i-tally ang boto ng bawat mahistrado upang matiyak na tama ang resolusyon ng korte.
Tiniyak naman ni Hosaka sa publiko na maglalabas ang kataas-taasang hukuman ng accurate summary ng desisyon sa lalong madaling panahon.
Hulyo nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11479 o Anti-Terror Law.
Tatlumpu’t pitong petisyon naman ang inihain sa SC na kumukwestyon sa Anti-Terror Law dahilan upang maging ito na ang isa sa mga batas na may pinaka-maraming tumututol. —sa ulat ni Bert Mozo (Patrol 3)