Ipinauubaya na ng Malacañang sa Korte Suprema ang pagpapasya kaugnay sa legalidad ng hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang bisa ang visiting forces agreement (VFA).
Kasunod na rin ito ng ipinasang resolusyon ng Senado na humihiling sa Korte Suprema na magpalabas ng ruling kung kinakailangan ng concurrence o pag-apruba ng mga senador sa pagkalas ng Pilipinas sa mga tratado.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvadro Panelo, nakasalalay sa Korte Suprema ang magiging kapalaran ng VFA at ang pagresolba sa mga usaping legal hinggil dito.
Muli namang tiniyak ni Panelo na tatalima ang Malacñang, anuman ang magiging pasya ng Korte Suprema.