Kumbinsido ang Department of Health (DOH) na hindi pa napapanahon para gawing ligal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mas mahabang pag-aaral pa ang kailangan bago pagpasyahan kung gagawing ligal ang paggamit sa marijuana bilang gamot.
Sa ngayon aniya ay masyadong limitado ang mga benepisyo at kung ano naman ang panganib sa paggamit ng medical marijuana na puwedeng gawing giya ng ating mga mambabatas sa ipapanday nilang batas.
Tinukoy ni Duque ang inihandang listahan ng University of the Philippines National Institutes of Health kung bakit hindi pa panahon para gamiting gamot ang marijuana.
Kabilang dito ang panganib ng distance perceptions at psychosis tulad ng schizophrenia.
Gayunman, aminado naman si Duque na batay sa mga pag aaral, nakakatulong talaga ang marijuana bilang pain killer, para sa hilo at pagsusuka.
Nabuhay ang usapin sa legalisasyon ng marijuana bilang gamot dahil sa suportang ibinigay dito ni Miss Universe Catriona Gray nang itanong ito sa kanya sa question and answer portion ng beauty pageant.
—-