Inihain ni Senador Robinhood ‘Robin’ Padilla ang panukala na naglalayong payagan na ang paggamit ng ‘medical marijuana’ o ‘cannabis’ bilang gamot sa Pilipinas.
Nakasaad sa Senate Bill 2-30 na matagal nang ginagamit ang marijuana bilang herbal medicine para sa mga karamdaman tulad ng gout, rheumatism, at malaria, bagamat dapat aniya na magkaroon ng parusa ang mapapatunayang nangaabuso dito.
Nabatid na sakaling maaprubahan ang naturang bill ay magiging principal regulatory agency nito ang DOH na magtatayo ng Medical Cannabis Compassionate Center sa public tertiary hospitals at gagawa ng prescription monitoring system ng registered medical cannabis patients at physicians.
Ang Food and Drug Administration (FDA) naman ang magte-testing sa medical cannabis product, habang ang Dangerous Drugs Board (DDB) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang magmo-monitor at magre-regulate ng medical cannabis.
Samantala, ang DOH rin ang mag-i-issue ng registry id cards sa mga pasyente na qualified guamamit ng medical cannabis.