“Panahon na para magkaroon ng motorcycle for hire sa bansa.”
Ito ang binigyang diin ni Senator Grace Poe matapos ang pagdinig kaugnay sa panukala para ideklarang ligal, ligtas at convenient mode ng public transportation ang motorcycle for hire.
Sinabi ni senator Poe, na pinatunayan ito sa resulta ng pilot study ng Department of Transportation sa viability ng motorcycle taxis na sinimulan noong 2019 na batayan ng bubuuing batas.
Batay anya sa apat na taong pag-aaral, lumitaw na mayorya ng mga commuter ang pabor na gawing ligal ang motorcycle taxis dahil sa mas mura at mas mabilis na biyahe lalo na sa mga oras ng masikip ang daloy ng trapiko.
Kumpiyansa si senator Poe na ang resulta ng pilot study ay malakas na batayan para sa pagsusulong ng polisiya na tugon sa pangangailangan ng commuting public at ng iba pang stakeholders. –Sa panunulat ni Jenn Patrolla