Kailangan pa ng Senado si Senator Loren Legarda.
Ito ang iginiit ni Senate President Koko Pimentel matapos lumabas ang ulat na isa si Legarda sa mga ikinukonsiderang italaga bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ayon kay Pimentel, si Legarda ang isa sa pinakaabalang senador ngayon bilang pinuno ng Senate Committee on Finance na sinisikap maipasa ang 2018 national budget.
Para naman kay Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na highly qualified si Legarda sa naturang posisyon.
Una nang sinabi ni Legarda na nais niya munang tapusin ang termino bilang senador at gampanan ang tungkulin bilang Chairman ng Committee on Finance, Foreign Affairs at Climate Change sa Senado.