Malaking pamana ang naiwan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga.
Ayon kay Wilkins Villanueva, Director General ng Philippine Drug Enforcement Agency, hanggang sa barangay ay nararamdaman ang mabuting idinulot ng kampanya.
Sa katunayan, sa loob ng anim na taong panunungkulan sa pwesto ay nasa P89-B halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nasabat ng pamahalaan.
Wala na rin aniya ang naglalakihang laboratoryo ng shabu sa Pilipinas habang intel-based na ang Illegal drug operation.
Sa huling datos, nasa 1.2M individuals na ang sumuko habang 700K ang sumasailalim sa Rehabilitation Program ng pamahalaan.